4Ps PANTAWID PAMILYA PROGRAM MAY NAIS MALINAWAN

Magandang araw sa ating mga Cabuyeno. Nababalitaan nyo po ba ang programa ng ating National Government na 4Ps Pantawaid Pamilya na kung saan ito ay para sa ating mga kabataang nangangailangan ng suportang pang edukasyon at kalusugan pati na rin ang mga magulang. Maganda po ang programang ito na kung saan ang bawat pamilya ay nakakatanggap hanggang 2,800 na piso kada pamilya para pang ayuda sa ating mga kabataang nag aaral na kapos sa kanilang mga pangangailangan. Sa amin pong barangay sa Butong ay may mga lumapit sa akin at nagtanong. Sila po ay mga beneficiaries ng 4Ps at ang nagging katanungan nila ay bakit po nagging partial ang naibigay sa kanilang benepisyo dahil noong una nilang pagkuha ng kanilang benepisyo ay nakuha nila ito ng buo. Dito sa huling bigayan noong nakaraang Abril ay nakatangap lang po ang ilan na aming kabarangay ng 500-1000 piso na halos wala pa sa kalahati ng dapat nilang makuha. Kayat ako po ay nagpaabot ng katanungan sa DSWD at ako naman po ay kanilang sinagot at ito ang aming nagging palitan ng inpormasyon;

Pantawid Grs
may we know the reason why our Barangay Butong Cabuyao CIty, Laguna received partial cash benifits fo 4ps? Why we only just strated while other towns or provinces already recieving benefits? is there already budget for these program of our Cabuyao City? My concern is why they distributed it partially and not per system allloted?
Good Day, … This pertains to your query posted on Department of Social Welfare and Development Page. We will refer this case to DSWD Field Office IVA for appropriate action. Rest assured that we will give you feedback/updates on this matter.
Thank you
Tanggapan ng Reklamo
6:08pm
Butong Ngayon
Bakit po di naibigay ng buo ang benepisyo ng aming barangay sa Butong Cabuyao Laguna. Dahil ginawa pong partial ang binibigay na cash samantalang ang ibang barangay po dito ay nakuha ng buo. Ano po ang kanilang dahilan. Dahil tinatakot po sila ng ibang lider na baka matanggal ang ibang mga nagsusumbong. Dapat po ay ipaliwanag na lang imbes na takutin ang ating mga mamamayan.
April 22
10:41am
Pantawid Grs
Nais po namin ibahagi ang aming komunikasyon sa DSWD IVA.
May we follow up on the complaint filed by Butong Nayon, a concerned citizen inquiring on the reason for partial grants received by beneficiaries in Barangay Butong Cabuyao City, Laguna.
Records in the Pantawid Pamilya database indicate there are one hundred twenty eight (128) registered beneficiaries in Barangay Butong whose initial payment were generated last January 2013 for November and December 2012 (Period 6 of 2012) payments. However, households were found “not updated” in school and health facilities resulting to underpayment or no grants for January and February 2013 payroll.
Please address immediately the updating issues of beneficiaries for them to be included in the next payroll generation. Affected households shall be included in the generation of Retro Compliance Form (RCF) using end-to-end retroactive payment system.
Please copy furnish this office on the updates of this case on or before 26 April 2013.
Thank you.
10:45am
Pantawid Grs
Kasalukuyan pong ipinoporseso ang update sa mga banepisyaryo ng Pantawid Pamilya sa Barangay Butong. Base po sa checking na ginawa namin sa database ng Pantawid Pamilya ang facilities po ng Health at School ng mga bata ay kailangan pang iencode sa computer.
Kasalukuyan pong inaasikaso ng Region IVA ang inyong reklamo, makakaasa po kayo na magbibigay po kami ng karagdagang impormasyon pagkatapos ng kanilang actual validation sa inyong lugar
April 22
9:02pm
Butong Ngayon Maraming salamat sa inyo at kami po ay hihingi ng records para sa Sangguniang Barangay Butong record file. Salamat po muli sa pagtugon.
Ngayon po ay malapit na ang pasukan at ang nagging pangako ay kanilang ibibigay ang kabuuan ng kanilang dapat makuha. Sana po ay maipaliwanag nila ng maayos ng sa gayon ay di maging negatibo ang kaisipan ng ating mga mamamayan dahil maganda po ang programa pero kung may mga sistema po na di naaayon sa proseso ay di po magdadalawang ang mga tao na mag isip ng maling persepsyon sa mga namamahala sa ating lungsod ng programang ito na pinondohan at inimplementa ng ating national government. Kami po sa aming barangay ay hihingi ng kopya ng mga taong nagbebenepisyo ditto ng sa gayon masubaybayan po naming kung ito ay tamang ipinapaabot sa mga nangangailangan nito.
6592 Total Views 6 Views Today
[Total: 1    Average: 2/5]

One thought on “4Ps PANTAWID PAMILYA PROGRAM MAY NAIS MALINAWAN

  1. Tama na ito’y subaybayan, at tutukan ang paliwanag ng mga sangay ng pamahalaan. Nais kong malaman kung bakit tila hindi pantay-pantay ang patak ng ulan sa mga kababayang pare-pareho naman ang pangangailangan.

Leave a Reply